Larangang magnetiko
Sa magnetismo at elektromagnetismo, ang larangang magnetiko ay isang pisikal na katangian ng espasyo na sumusukat sa magnetikong impluwensiya sa isang partikular na lokasyon.
Ang mga magnetikong larangan ay
- naglilihis ng mga gumagalaw na karga ng kuryente (kabilang ang mga daloy ng koryente)
- naglalapat ng mga torque sa mga batubalani upang iikot ang mga ito sa direksiyon ng larangang magnetiko
- umaakit o nagtataboy ng mga magnet at magnetikong materyal tulad ng bakal
- nagdugdulot ng induksiyon ng mga koryente sa mga materyal na nagpapadaloy ng koryente.
Ang mga larangang magnetiko ay nalilikha ng
- permanenteng magnetikong materyales
- mga gumagalaw na karga ng koryente (kabilang ang daloy ng koryente).
Ang mga larangang magnetiko ay ginagamit sa modernong agham at teknolohiya. Sa inhenyerong ekeltriko at elektromekanika, mahalaga ito sa disenyo at paggamit ng mga de-koryenteng motor, henerador, transpormador, electromagnet, at panawit, bukod sa marami pang ibang aparato. Sa agham ng mga materyal, ang mga puwersang magnetiko ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga tagapagdala ng karga sa isang materyal sa pamamagitan ng epektong Hall bilang karagdagan sa iba pang gamit.