Rosa ng Lima
Santa Rosa ng Lima | |
|---|---|
| Birhen at nagpepenitensiya | |
| Ipinanganak | Isabel de Santa Maria de Flores 20 Abril 1586 Lima, Virreinato ng Peru Imperyong Kastila |
| Namatay | 24 Agosto 1617 (31 taong gulang) Lima, Virreinato ng Peru Imperyong Kastila |
| Benerasyon sa | Simbahang Katolika Romana, Komunyong Anglicana |
| Beatipikasyon | Abril 15, 1667 o 1668, Roma, Papal States ni Papa Clemente IX |
| Kanonisasyon | Abril 12, 1671, Roma, Papal States ni Papa Clemente X |
| Pangunahing dambana | Monasteryo ni Sto. Domingo Lima, Peru |
| Kapistahan | Agosto 23 Agosto 30 (sa ilang bansang sa Latin Amerika at bago ang 1970 Pangkalahatang Kalendaryong Romano) |
| Katangian | rosa, angkla, Santo Niño |
| Patron | embroiderers; hardinero; plorista; India; Lating Amerika; mga taong kinukutya o di-maunawaan dahil sa kanilang debosyon; sa pag-aayós ng mga away pamilya; mga katutubo ng kontinente ng Amerika; Peru; Pilipinas; Villareal; Santa Rosa, California; Santa Rosa, Laguna; laban sa pagkabanidoso; Lima; Kapulisan ng Peru |
Si Santa Rosa ng Lima (sa Latin: Sancta Rosa Limana) , (Lima, 20 Abril 1586 – Lima, 24 Agosto 1617), na may sekular na pangalan na Isabel Flores de Oliva, ay isang kasapi ng Ikatlong Orden ng mga Alagad ni San Domingo at mistikong relihiyosa na kinanonisa bilang santa ng Papa Clemente X noong 1671.[1] Sa hanay ng mga taong isinilang sa Amerika (noon ay tinatawag na Kanlurang Indias), si Rosa de Lima ang kauna-unahang nakatanggap ng kanonikal na pagkilala ng kabanalan mula sa Simbahang Katolika.
Noong 1669, siya ay ipinahayag bilang dakilang patrona ng Lima, at noong 1670 naman bilang patrona ng Bagong Mundo at ng Pilipinas. Bukod pa rito, siya ay kinikilalang patrona ng mga institusyong pang-edukasyon, kapulisan, at sandatahang lakas ng Venezuela; ng Pambansang Pulisya ng Republika ng Peru; ng Pambansang Pulisya ng Paraguay; at ng Sandatahang Lakas ng Argentina. Dahil sa karamdaman na naging sanhi ng kanyang kamatayan, siya rin ay itinuring na patrona ng mga maysakit na may tuberkulosis.[2]
Talambuhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ipinanganak siya na Isabel Flores y de Oliva sa Lima, sa noo'y Virreinato ng Peru, noong Abril 20. 1586. Isa siya sa maraming supling nina Gaspar Flores, isang arcabucero sa hukbo ng Imperyo ng Espanya na ipinanganak sa San Germán, pulo ng San Juan Bautista (ngayo'y Puerto Rico), at María de Oliva, isang mulata na taga-Lima. Ang palayaw niyang "Rosa" ay hango sa insidente noong siya'y isa pang sanggol, nang sabihin ng kanilang katulong na nakita niya umano na nagbagong-anyo ang kaniyang mukha at naging rosas. Noong 1597, siya'y kinumpilan ng Arsobispo ng Lima na si Turibius de Mongrovejo na naging santo. At noo'y pormal niyang ginamit ang pangalan na Rosa.[3]
At upang matularan ang pamumuhay ni Santa Catalina ng Siena, nagsimula siyang mag-ayuno tatlong ulit sa isang linggo at palihim na nagpenitensiya ng matindi. Nang hangaan ng kaniyang mga manliligaw ang kaniyang kagandahan, nabahala si Rosa kaya ginupit niya ang kaniyang buhok at nagpahid ng paminta sa kaniyang mukha.[4] Tinanggihan niya ang lahat ng kaniyang mga manliligaw kahit pa tumutol ang kaniyang mga kaibigan at pamilya. Kahit na paulit-ulit punahin ng kaniyang mga magulang ang oras na ginugugol niya sa araw-araw na pagtanggap ng Banal na Sakramento, napakabihirang gawain noong mga panahong iyon. Nanumpa siyang panatilihin ang kaniyang pagkabirhen, na tinutulan ng kaniyang mga magulang, na ninais siyang makasal.[3] Sa huli, sumuko na lang ang kaniyang ama, at binigyan siya ng sariling silid sa kanilang tahanan.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ https://dbe.rah.es/biografias/5968/santa-rosa-de-lima.
{{cite web}}: Missing or empty|title=() - ↑ Maling banggit (Hindi tamang
<ref>tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalangNeyra Ramírez); $2 - 1 2 "CATHOLIC ENCYCLOPEDIA: St. Rose of Lima". newadvent.org.
- ↑ "St. Rose of Lima". AmericanCatholic.org (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-09-05. Nakuha noong Setyembre 12, 2015.