Puting unano

Ang puting unano o puting duwende (Ingles: white dwarf) ay isang masiksik na labi ng isang bituin. Nilapirot ang materya sa loob nito dahil hinihila ng grabidad ang mga atomo palapit sa isa't isa at pag-alis ang kanilang mga elektron sa mga ito. Ang masa ng isang puting unano ay katulad ng masa ng Araw, ngunit ang bolyum nito ay kasinglaki lamang ng Daigdig.[1][2][3]
Ang mga puting unano ang pangwakas na estado ng ebolusyon ng lahat ng mga bituing hindi sapat ang mataas na masa upang maging isang bituing neutron.[4] Mahigit 97% ng mga bituin sa Ariwanas ang inaasahang magiging mga bituing puting unano.[5][6] Matapos ang pangunahing sekwensiya, kung saan nagsasanib ang hidrohino sa helyo, lalawak ito upang maging isang pulang higante na siyang nagsasanib ng helyo sa karbon at oksiheno sa ubod nito. Kung walang sapat na masa ang isang pulang higante upang pagsamahin ang karbon, (humigit-kumulang 1 bilyong K), maiipon ang hindi aktibong karbon at oksiheno sa gitna nito. Matapos maalis ang mga panlabas na patong nito at mabuo ang isang planetaryong nebula, naiwan ang ubod nito na siyang naging puting unano.[7][8]
Ang materyal sa isang puting unano ay hindi na sumasailalim sa mga reaksiyong pagsasanib ng nuklear, kaya wala itong pinagmumulan ng enerhiya. Hindi ito sinusuportahan ng init mula sa pagsasanib laban sa pagguho ng grabidad. Sa halip, ang pagbagsak nito ay pinigilan ng presyon ng pagkabulok ng elektron.
Ang isang bituin na tulad ng Araw ay magiging isang puting unano kapag naubusan na ito ng gasolina para sa pagsasanib ng nuklear. Malapit sa katapusan ng buhay nito, dadaan ito sa yugto ng isang pulang higante at pagkatapos ay mawawala ang karamihan ng mga gas nito, hanggang sa ang natirang ubod ay lumiit at maging isang batang puting unano.[1]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Natuklasan ang mga puting duwende noong ika-18 siglo. Ang unang kilalang puting unano, na tinatawag na 40 Eridani B, ay natuklasan noong 31 Enero 1783 ni William Herschel. Bahagi ito ng isang sistemang 40 Eridani, na binubuo ng tatlong bituin.[9][10][11]
Ang ikalawang puting unano ay natuklasan noong 1862. Isa itong maliit na bituin malapit sa bituing Sirius.[10][12] Ang kasamang bituing ito, na tinatawag na Sirius B, ay may temperatura sa ibabaw na humigit-kumulang 25,000 Kelvin, kaya ito ay itinuring itong isang mainit na bituin. Gayunpaman, ang Sirius B ay halos 10,000 beses na mas mahina kaysa sa pangunahin bituin na Sirius A.[13] Natuklasan ng mga siyentipiko na ang masa ng Sirius B ay halos parehas lang sa Araw. Nangangahulugan ito na minsan, ang Sirius B ay isang bituin na katulad ng Araw.[14]
Noong 1917, natuklasan ni Adriaan van Maanen ang isa pang puting unano na tinatawag na Van Maanen 2 (o Van Maanen's Star). Ito ang ikatlong puting unano na natuklasan. Ito rin ang pinakamalapit na puting unano sa Daigdig, maliban sa Sirius B.[15]
Muling pagsiklab
[baguhin | baguhin ang wikitext]Maaaring muling magliyab at sumabog bilang isang supernoba ang mga puting unano kung makakakuha ito ng sapat na karagdagang materyal. May pinakamataas na masa kung saan manatiling matatag ang isang puting unano. Ito ay tinatawag bilang limitasyon ng Chandrasekhar.[16][17]
Ang isang puting unano ay maaaring kumuha ng materyal mula sa isang kasamang bituin, halimbawa, kung hanggang sa lumapit ang masa nito sa limitasyon ng Chandrasekhar.[16][17] Ang sobrang masa ay maaaring magdulot ng isang reaksyon ng pagsasanib ng karbon. Naniniwala ang mga astronomo na ang muling pagsiklab na ito ay maaaring humantong sa pagbuo ng ilang supernoba na Uri Ia.
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- 1 2 "White Dwarf Stars". imagine.gsfc.nasa.gov. Nakuha noong 2026-08-20.
- ↑ "White Dwarfs". imagine.gsfc.nasa.gov. Nakuha noong 2026-08-20.
- ↑ "White Dwarfs: Compact Corpses of Stars". Space.com (sa wikang Ingles). 2022-03-04. Nakuha noong 2026-08-20.
- ↑ "White Dwarf | COSMOS". astronomy.swin.edu.au. Inarkibo mula sa orihinal noong 2025-12-09. Nakuha noong 2026-08-20.
- ↑ "White Dwarfs: Compact Corpses of Stars". Space.com (sa wikang Ingles). 2022-03-04. Nakuha noong 2026-08-20.
- ↑ Fontaine, G.; Brassard, P.; Bergeron, P. "The Potential of White Dwarf Cosmochronology". Publications of the Astronomical Society of the Pacific. 113. doi:10.1086/319535.
- ↑ Richmond, M. "Late stages of evolution for low-mass stars". Lecture notes, Physics 230. Rochester Institute of Technology. Nakuha noong 3 May 2007.
- ↑ Crockett, Christopher (2023-04-25). "What are white dwarf stars? How do they form?" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2026-08-20.
- ↑ Chlachula, Josef. "40 Eridani B – Rochester Astronomy Club" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2026-08-20.
- 1 2 Neckar, Elisa (2026-01-31). "Jan. 31, 1783 and 1862: Pioneering white dwarf discoveries". Astronomy Magazine (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2026-08-20.
- ↑ Holberg, J. B. (2005). "How Degenerate Stars Came to be Known as White Dwarfs". American Astronomical Society. 37: 1503. Bibcode:2005AAS...20720501H.
- ↑ "Chandra resolves two stars in Sirius system". spaceflightnow.com. Nakuha noong 2026-08-20.
- ↑ "The Dog Star, Sirius, and its Tiny Companion - NASA Science" (sa wikang Ingles). 2005-12-13. Nakuha noong 2026-08-20.
- ↑ Bond, Howard E.; Schaefer, Gail H.; Gilliland, Ronald L.; Holberg, Jay B.; Mason, Brian D.; Lindenblad, Irving W.; atbp. (2017). "The Sirius system and its astrophysical puzzles: Hubble Space Telescope and ground-based astrometry". The Astrophysical Journal. 840 (2): 70. arXiv:1703.10625. Bibcode:2017ApJ...840...70B. doi:10.3847/1538-4357/aa6af8. S2CID 51839102.
- ↑ "Van Maanen's Star — Polluted White Dwarf | Universe Map" (sa wikang Ingles). 2025-12-06. Nakuha noong 2026-08-20.
- 1 2 "Chandrasekhar Limit | COSMOS". astronomy.swin.edu.au. Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-06-27. Nakuha noong 2026-08-20.
- 1 2 Lea, Robert (2022-05-11). "The Chandrasekhar limit: Why only some stars become supernovas". Space.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2026-08-20.